Blame!!!
Bakit bang laging ako ang sinisisi???
guitarkidd: Ate, bakit laging busy yung phone nyo sa bahay?
Pinsan: Eh paano, simula ng tinuruan mong maglaro ng Ragnarok yang pamangkin mo eh busy na lagi yung telepono!!!
guitarkidd: Eh di hwag mong bigyan ng pambili ng load...
Pinsan: Di ko naman talaga binibigyan eh!! Kaya lang, iniipon nya yung baon nya para yun ang pambili nya ng load. Tinuruan mo kasi eh!!!
guitarkidd: Eh di hwag mong paglaruin kung may exams sya!!
Pinsan: Yun na nga eh. Tuwing exams ko na lang sya di pinaglalaro. Matataas naman yung mga grades nya eh.
guitarkidd: Oh pati ba naman yan eh kasalanan ko pa rin!!! Anong magagawa ko kung sa akin sya nagmana!!!
Pinsan: Tamaan ka sana ng kidlat!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment