Cheatmates: Nagkalat!!!
Exam nanaman!
Ang bilis ng panahon...
Hindi ko alam kung may maisasagot ako sa mga tanong
Buti nalang may mga taong magaling makasama
Na sa tuwing may exam
Hindi nawawala
CHEATMATES
Iba-iba ang istilo ng kopyahan samin
Nakadepende din sa subject
Kalimitan sa white book kami nag-eexam
Minsan derekta sa kompyuter.
Si ultraelektromagnetik
Mahusay sa programming
Malalaman agad ang mali mo
Pasimpleng hihingi ng papel
pero Iipit mo na ang script mo
Tapos ikaw naman ang mang hingi ng papel
Edited na ang gawa mo!
Si Malaswang Rebolusyonaryo
Napaka bastos
Subalit pagdating sa History
Pati ata ninuno ng kapitbahay ko kilala na
Makikipag welga pa pag hindi tinanggap ang sagot nya
Ito ang mahilig magsenyas ng sagot
May codes pa
Pag A, hawak sa tenga
Pag B, hawak sa ulo
Pag C, hawak sa tyan
at pag D, papadyak ng papadyak.
hindi naman ako magpapahuli
Sa numero sila sakin nakadepende
Luge ako kasi karamihan ng subjects namin ay math
pero ok nadin
Hindi kami allowed gumamit ng calculator
Pero sanay na ako sa mabilisang pagkompyut
Iba ang istilo ko ng pagpapakopya
Sa dalawang papel ako nagsasagot
Yung isa para sakin
At yung isa para umikot sa klasrum.
Exam nanaman!
Anu kaya ang mga bagong teknik
Para mas mapabisa ang paglaganap ng isang penomina
Na hinubog na ng panahon
Ang pagkokopyahan...
______________________
Sa mga kablock ko, gudlak sa exams! dating pwesto!hehehe
3 comments:
Very pretty design! Keep up the good work. Thanks.
»
Interesting site. Useful information. Bookmarked.
»
Hmm I love the idea behind this website, very unique.
»
Post a Comment