Friday, July 14, 2006

Tampuhan

Normal sa isang relasyon ang tampuhan
Pag may mga broken promises
Mga hindi na-meet na expectations
Normal lang na mainis ka.

BASTA NAIINIS AKO.

_________________________

at dahil naiinis ako, gustong kong mang inis din ng iba.hahaha

Habang nagcocomputer kanina, biglang nagonline si tatay, syempre si nanay, bigla akong pinapaalis at mag-uusap daw sila, so nagbingibingian naman ako hanggang sa mainis si nanay at batuhin ako ng unan.<1>

Nag half-day ang kapatid ko at pagdating sa bahay,kumatok sya sa gate,nakita ko sya pero di ko pinansin, umuulan kaya basang basa sya at katok padin ng katok, ng mapansing inis na sya, saka ko lng binuksan ang gate<2>

May sakit padin ang bunso kong kapatid kaya madaling mairita pag kinukulit, habang nanonood ng cartoons, nilipat ko ung tv, syempre nagalit, ako naman si dedma kasi ang objective ko nga ay inisin ang mga tao. So umiyak sya ng malakas at akala mo kinakatay na baboy,imbes na mainis ako, natuwa pa ako.<3>

...syet!ansama ng ugali ko!

7 comments:

chinoybrat said...

bad k tlga! pti bata ni-iinis mo!

lol

find someone ung ka-"size" mo!

lol

Anonymous said...

You are so mean. Median and mode. ^_^

zeus-zord said...

ay

ganun

bad nga

Anonymous said...

Ummm....

Sorry. Bawi ako, wag ka alala.

Doubting Thomas said...

ahehe... ang sarap mo sigurong inisin ken!

Anonymous said...

nakakainis ka.
in a nakakatawa way.
haha.

Juice said...

tsk tsk.. evil..
haha