BAHA-PLAD!
Ang sarap pag masdan ng pagpatak ng ulan sa Maynila, ang presko ng pakiramdam.
Pero kung ang pagtapos ng ulan ay may baha, pucha!sana wag ng umulan forever!
Nakakabaliw ma-stranded sa punyetang plad lalo na kung hating gabi na at wala ka ng masakyan pauwi.
Kasama ko si John nung isang araw sa Rob Manila at naglakwacha kami, naglakad ng naglakad hanggang sa mapagod at ng magpasyang(putang ina tagalog) umuwi, kahit umaambon ay nilakad namin ang Pedro Gil papuntang Taft at ng marating ang TAFT, PAO!!!!!! BAHA!
maderpaker syet! So tumayo nalang kami at nag isip kung pano makakatawid sa kabilang side. Naglakad kami papuntang Malvar street upang doon magbakasakaling tumawid pero ng matunton ang lugar, PAO!!! PLAD padin... paksyet talagang ulan yan. Kaya tumayo nalang kami dun, pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Ang sarap pagtripan ng mga taong dumadaan.
Nakita ko ang mga estujante ng st paul, posturang postura ang mga babae, hinihintay mawala ang baha(goodluck, wait forever paulinians) bago umuwi. Nakita ko din ang mga estujante ng UP, ang iingay at nanood ng Bakekang sa pinagtambayan naming tindahan. Ready ng lumusong sa baha,kaso kelangan pang tapusin ang bakekang. Nakita ko rin ang ibang nursing students at nabigla ako, puting puti ang damit, may hawak na nursing kit sa kaliwang kamay, at itim na sapatos sa kaliwa, ng tingnan ko kung san sila nakatapak, sa plad pala, kulang nalang ay lumangoy sila at ipagsigawang maputi padin ang kanilang uniporme.
Napagtanto(syet anlalim) ko na may sakayan pala sa Mabini kaya dali dali kaming nagtungo doon. Nang makarating ay lumangoy este sumakay na kami pauwi.
Grabe talaga ang nagagaw ng baha! Tinutulungan nitong kumita ang mga padyak boys sa malate kung saan naniningil sila ng taga. Amputang plad yan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
@MP#TANG P@KSH*T na POOH-CHANG post yan! Sa mga words mu pa lang po alam ko ng nabanas ikaw eh... haha! >_< Aus lang yan, napagtripan mu nmn ung mga taong dumadaan eh... =)
hmmmm
nababaliw k nnmn
mga post mo kakaiba a
wakekke
@#$%$@#$@!
Wala lang. Naasar lang din dahil papasok ako ng opis nung umulan bigla ng malakas.
kung sa inyo baha.
sa amin--OCEAN.
pearly shells from the ocean.
shining in the sun
covering the land.
nasty.
Post a Comment