Wednesday, December 06, 2006

Afternoon Delight

Nakaupo ako ngayon sa harap ng PC
Walang tao sa bahay, pumunta silang ospital dahil sa kapatid ko
Inaantok ako pero hindi ako makatulog, uminom kasi ako ng kape!
Nag-iisip ako ng itatayp pero wala akong maisip,bakit kaya?
Ano sa tingin mo?


Usapang Gaguhan

Kahapon, Disyembre 5,2006, tama ba?
Pagtapos kong pumunta ng gym upang pagurin ang aking sarili,

kunyari nagpapalaki ng katawan pero ang totoo ay nagpapalaki ng tyan,
habang hinihintay ko ang aking kaibigan, nagtungo(ay tagalog talaga?) ako sa SM,
san panga ba?e yun naman ang pinakamalapit na mall sakin.
Naglakad ako patungong watsons, nakakita ako ng CONDOM(for sure nakangiti na si Jhed at Xiena) oo, tiningnan ko ito na parang may hinahanap,hindi ko namanlayan na tinitingnan na pala ako ng gwardya, akala siguro dedekwatin ko,para di masyadong mapahiya, binili ko nalang. Wala akong magawa habang hinihintay ko ang kaibigan ko sa nagpunta akong CR para usisain ang CONDOM(kunyari di pa ako nakakagamit nun, pag kasi ginagamit ko un derederecho na,wala ng tingin tingin pa) nakita kong may mga butlig butlig,natawa tuloy ako kaya tinago ko nalang. Lumabas ako ng CR at tumayo na parang callboy(lagi nalang akong napagkakamalang callboy,nakakasawa,sana next time mamasang naman) Sa tagal ng aking kaibigan ay ginala ko ang aking mata at wala akong napala! Ayan dumating na sya dala ang mp3 ko. Sawakas maeexperience ko na ang mp3 ko!

Sumakay kami ng jeep, mama bayad po, dalawang faura, estudyante! Pagbaba sa Faura ay naglakad kami papuntang OUR(opisina ng unibersidad rehistro, ay natawa ako) May concert pala!OO concert, yung tipong rakrakan, talunan, sigawan, hiyawan, kulitan, kainan, tawanan, piktyuran at kung anu anu pa!Pag dating namin ay nakasalubong namin ang isa sa milyon-milyong kras ko!Si Arra. Si Arra na maganda, si Arra na magaling kumanta, si arra na malupit mag gitara!OO si Arra!Yung taga UP Manila at ewan ko kung anung kurso,basta sya na un!Nginitian nya ako!Kinilig ako, pero ng lumingon ako, yung nasa likod ko pala yung nginitian,napahiya tuloy ako, pero konti lang naman, so okey lang yun!Nagsimula na ang hiyawan!Wooooooohhh!!!! ayan na, may mga nagrarakrakan na!Feeling ko rockstar na ako!hahaha pumwesto kami sa bandang gilid para di mainit, pinanood ng maigi at nakisabay sa ibat ibang banda na hindi ko alam kung paano bigkasin ang mga nakakalito nilang pangalan.Iniisip kong tumugtog sa harap para ipakita sakanila kung anu ang tunay na musika(sinuportahan naman ako ng kaibigan ko dahil hindi kami ganun kabilib sa mga tumugtog,pero kahit papano,ayos na!) Hindi na namin tinapos yung concert, naglakad kami papuntang P.Gil para pumuntang St.Paul, dun sa madaming chicks(sabi ni Dave) nainip kami sa paghihintay buksan ng entrance ng main theater hall kaya pumunta anlang kami ng baywalk, nagkulitan, tawanan, nagtrip kami!napagtripan namin ung kunyaring estatwa tapos pag hinulugan mo ng barya yung basket nila eh magpapapansin na sila. Nung una nahihiya ako, pero sa una lang naman ako mahiyain, so dinare ako ni janievi na kumupit dun sa basket ng barya, di naman ako nag-alinlangan,gusto ko din kasing makita yung reaksyon ng estatwa, hindi sya gumagalaw, nagtatawanan na yung mga tao, at yahooo!!!ako na ang star!aku na ang pinapalakpakan nila. Natapos ang gabi ng may pagmamadali, mag aala dose na ng makasakay ako ng van pauwi ng kabite. Pagdating sa bahay ay pinagbantay pa ako ng kapatid kong may sakit. Kunyari concern ako kaya binantayan ko naman sya. Nakatulog ako ng mga 6am. ayun!

Alas tres na. Wala padin sila. Matutulog nalang muna ako.

2 comments:

zeus-zord said...

hmmmmmmmmm

d ko pa natry ung mga kunyaring istatwa na yun

wakekeke

hmmmmmmm

hmmmmmm

Anonymous said...

Hala! At paano nakabit ang pangalan ko sa condom ha?!

GRRRR.

Oh well, nakakapagod naman ata yung araw mo na iyon.