Monday, December 11, 2006

myusika!

"musika ang naglalapit sating lahat dito sa academy"

- eman,PDA!

angas no?akalain mo may nagagawa pala ang musika.
OO, nakakaadik ang MYUSIKA. Natuto akong makinig ng radyo nung baby palang ako, idolo ko nga si Freddie Aguilar, pinapanganak kasi ako ng sumikat ang kanta nyang "ANAK". Mula non, naadik na ako.

Anu bang silbi ng musika sakin?
Ewan ko!Teka, basta alam ko mahilig akong makinig sa mp3 ko na ang tugtog ay puro awitin ng paramita,chicosci, updharma down, sponge cola, sandwich, 6cycle mind at ng mga poriner na banda gaya ng the killers, my chemical romance at si ben folds pati nadin ang kapitbahay naming banda, ang googoo dolls. Pag tingin mo naman sa fone ko, sangkatutak na tugtugan pero ang paborito ko talagang pakinggan ay ang ever famous TIGIDONG ni ALI SOTTO. Sino bang hindi matatawag ang pansin sa PUKING KULAY ROSAS...at boom!!!tarat tarat, boom tarat tarat, tararat tararat boom boom boom, pinasend ko pa para lang ipraktis ang steps. Ang daming masarap pakinggan, depende sa mood, kung aadik adik ka, hiramin mo yung nasa mp3 ko tiyak mapapatalon kapa. Ansarap talagang pakinggan eh. Pag gusto mo namang magpaantok, pakinggan mo ng paulit ulit yung BOOM TARAT TARAT, sa sobrang inis, for sure matutulog kanalang talaga.

Nayon, pang sanlibong beses na yatang paulit ulit tumutugtog tong "BITIW" ng spongecola sa tristan cafe, natatamad kasi akong palitan, maganda naman yung kanta eh. may second meaning.hahaha wag kang bibitiw bigla. Naadik din ako sa kanta ng my chemical romance na weklcome to the black paradise, tinitipa ko nga yun sa gitara eh, pero ang hirap pare, lalo na pag wala kang gitara.

Myusika din ang sandalan ko pag may problema. Ayun.
Pano kaya kung wwalang music? edi sobrang timid siguro ng mga tao. walang saya, walang lungkot, parang wala lang. Kakaiba no?salamat nalang at may myusika.

nga pala, kaya myusika ang tawag ko sa musika kasi yung propesor ko dati sa speech ang may sala. basta sya ang salarin. basta kanya kanya yan ng tawag, kung trip mo, mhusihkah...para masaya!

2 comments:

Anonymous said...

baka naman mamaos si yael my labs niyan kapapatugtog mo ng bitiw?

"huwag kang lilingon bigla
huwag kang lilingon biglahaha
higpitan lang ang iyong kapit
maglalayag patungong langit."

musikera said...

mabuhay ang musika!

hehehe