ayoko na
Mula ng ako'y magbinata
Ika'y akin ng kasama
Hindi mo ako iniwan
Ika'y laging nariyan
Nagmistulang kakambal
Ako'y iyong sunud sunuran
Nais ko ng maging malaya
Malayo sa iyong kalinga
Sawa nako sayo
Gusto ko ng mabuhay ng wala ka
Kumonsulta nako sa mga kaibigan
Sa eksperto pagdating sa ganitong issue
Sinunod kanilang payo
Doble kayod sa kagustuhang ikay maglaho
Sobra mo yata akong mahal
Ayaw mo talaga akong iwan
Ilang beses na kitang tinaboy
Pero nanjan kapadin
Hindi nagsasawa
Punyeta ka
Sobrang asar nako sayo
Sana iwan mo na ako
I hate you....
.........TIGYAWAT.

No comments:
Post a Comment