Thursday, May 10, 2007

Panaginip

Gumising ako around 2am dahil maingay yung mga nag iinuman sa kabilang kwarto. Bumangon ako at lumabas upang magpahangin at bumalik narin para matulog ulit.
Nanaginip ako na hanggang ngayon ay hindi ko padin maalis sa aking isip.

Hiwalay na ang parents ko. Yan ang aking panaginip. Napaka detalyado ng mga pangyayari dito kaya sobrang sariwa pa nito sa isip ko. Ang tatay ko ay naglahong parang bula at ang nanay ko ay nagkaron ng panibagong asawa. Hindi ako sang ayon dito. Hindi talaga. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang lungkot kapag naiisip ko kung sakaling katotohanan ang lahat. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ay hindi ako papayag na magkaron ng bagong tatay.

Bakit ang lalake, pag nambabae, ayus lang???

Dahil likas na sa mga lalake ang pambababae. Panahon pa ni Kopong Kopong ay talamak na ang pambababae ng mga lalake. Ang masama ay kung manlalake ang lalake. SAGWA nun.

Ang babae, pag nanlalake, hindi kaaya aya sa mata.


Malamang! Ang mga kababaihan natin ay simbolo ni Maria Clara. Dapat lamang na maging mahinhin ito. Kung manlalalake man ay wag bulgaran. Hindi ko ata masisikmura yon.

...Marami akong mga kaibigang broken family. Hindi ko ramdam ang sakit na nararamdaman nila. Subalit sa pamamagitan ng panaginip ko, nakuha ko ang rason kung bakit ganon ang kanilang mga kilos. Kung bakit minsan ay rebelde sila.

Kung ako man ang ilalagay sa kanilang sapatos, marahil ganun din ang gawin ko, o mas masahol pa. Ayokong isiping mangyayari sa aking pamilya ang napanaginipan ko. Ayoko.


.... laktaw ....

Nasa comlab nanaman ako, April pa ata yung huling entry ko. May na.hahaha ang hirap maging busy. ;p

Xienah: i love you! ;p
Vex: bayaw, alagaan mo ate mo ha!
Zord: better luck next time! ;p

visitors: wala lang akong magawa dahil tapos nako sa activity namin. ;p

No comments: