Saturday, November 21, 2009

Sturdy Saturday

Madaming tumawa at naaliw sa huli kong post. Hindi naman ako nagpapatawa. Hindi naman talaga masamang kumausap ng sarili eh. Therapeutic nga yon according kay DOC. Pero dahil pinagkakamalan nyo akong may sayad, wala sa katinuan, triny ko naman kumausap ng iba, yung walang dialog pero nakikipagusap ako, mental telepathy. Maayos naman kaya yon, kakausap ka tapos yung gusto mong response yung makukuha mo, walang disappointments.

Kagabi, after ko mag gym umupo ako sa veranda, I saw this little kitten na naglalaro.

Will: meow...(malambing na boses)
Kitten: meowww...(malambing din)

May story na agad kaming napagkwentuhan, naunawaan kong gusto nya ng kalaro, gusto nya ng kakulitan. So ang ginawa ko eh tinitigan nalang sya, pinagmasdan syang maglaro, thankful naman sya.

Nung lumingon ako sa kisame, nakita ko ang dalawang butiking naghahabulan, kinausap ko sila.

Will: tsk tsk tsk...
Butiki 1: tsk! tsk tsk tsk!
Butiki 2: Tsk.
Will: tsk.

Nagenjoy naman ako sa pinagusapan namin, nakaka aliw. Bagong kasal pala sila, naglalambingan bago mag honeymoon. Ang galing no? Hindi nakakapagod makipagchismisan sakanila. Bigla namang tumahol ang aso at nagulat ako.

Aso: Arrrfff! Arrfff...
Will: Shooo...

Ayun, umalis na yung aso, naintindihan nya na ayoko ng maingay.

No comments: