Monday, October 23, 2006

PAALAM


Sa ating pagsasama, akoy lumigaya
Awiting kay ganda, iyong ipinamana
Sa lungkot at ligaya, ikay nariyan twina
Ngayong nagpaalam ka, akoy paano na?
Awiting kay ganda, maririnig paba?


Ikaw ay lumisan, di manlang nagpaalam
Kay sakit isiping ika'y di na muling makakapiling
Sa pagtulog sa gabi Ikay laging iisipin
Ky lungkot isiping ikay wala na

Ilang bwan kitang karamay, ikay aking kaagapay
Lumbay ay winawagayway, ngiti ay nabubuhay
Sa iyong paglisan, alaala ng nakaraan
Mananahan sa puso't isipan, ika'y aking pakatatandaan


PAALAM GITARA. :(

_____________________

Nalulungkot ako sa pagkasira ng giatara ko.
Hindi ko alam kung kelan ako magkakaron ng bago. :(

2 comments:

Anonymous said...

Nyaaaaaah!
Nasira na naman ang gitara mo?!

Grabe. Ganun na ba kalaki ang arms mo at nasira ang gitara mo?! Haha!

Okay lang yan, pag-ipunan!

Anonymous said...

waw naman at hinandugan pa ng tula ang kanyang gitara.... baka umiyak yan...
wag kang mag-alala... makakabili ka rin nyan... tingin ko gagawin mo ang lahat magkagitara lang uli e... pangalan pa lang ng blog mo... kaya habang hindi pa ayos o wala ka pang gitara.. palitan mo muna.. guitarless kidd ka muna... hhahaha.. joke...
hui, salamat sa pagdaan sa blog ko.. exchange tayo ng links?...