Wednesday, November 15, 2006

ang pagbangon... ;p

whew! tagal ko ding di nakapag blog!hehehe namis ko tuloy mag type.

Malapit na ang pasko. at ang mid-november reminds me of things na nangyari last year. Its been a year na(this time totoong one year na).

Andaming nangyari. Di ko mabilang, kaya ko namang bilangin pero hello, nakakapagod!hahaha
May nagtext sakin ngaun lang, meron nalamang daw akong anim na oras upang lubusin ang pagteteks!as if naman mahilig akong magpipindot!hahaha mahilig lang akong mag porward ng mensahe pero ang magpindot ng madaming letra upang ipadala sa kung sino sino, haynaku, kalimutan mo na! At speaking of texting, andaming naglipanang corny jokes. Ultimo utot may masasabi na. Pati si jollibee na nananahimik nagrereklamo. Sino kaya ang nagpasimuno ng mga kakornihang ito? Napag isip isip ko. Di kaya si XIENAH ang promotor?hahaha joke lang! Pero kahit na korni ang mga jokes na naglipana, hindi ko parin mapigilang tumawa. Sa usapin ng pagtawa, may isa akong kaibigan na hindi ata natutong tumawa kahit sobrang nakakatawa na ang nasa paligid. Animoy wala sa diksyunaryo nya ang pagtawa, ni ngiti hindi nya alam gawin. Kaya akoy lubusang nachallenge na mapangiti ang loka. Kinolekta ko ang mga naglipanang jokes tungkol sa utot, kulangot, tae, putok, langaw, inidoro at kung anu anu pa na sa tingin koy marinig lang ng ordinaryong tao ay hahalakhal na sa kamatayan. Subalit ng subukan kong patawanin si loka ay walang epekto, umuwi akong bigo. Subalit ng makausap kong juli ang loka, nagkwento ako tungkol sa lablayp ko, at nagulat ako ng biglang humalakhak na parang baliw. Pag usaping pag ibig pala ay natatawa ang loka, napatunayan kong isa pala syang baliw. hahahaha oo, LAINE, ikaw ang tinutukoy ko!hahaha

...isa nanamang korning post.hahaha

1 comment:

Anonymous said...

Hahahahahaha!

Napupuno na nga ang inbox ko sa mga jokes na finoforward mo! Haha! :P