Wednesday, January 17, 2007

Buhay Mapuan

Alas syete ang pasok ko araw araw, taga Kabite ako kaya alas kwatro palang ay nag uunat unat na ako ng katawan. Pagkatapos ay aayusin ang hinigaan, maghihilamos, magtitimpla ng gatas at bubuksan ang telebisyon. Makiki usyoso sa balita habang hinihintay pumatak ang alas singko. Alas singko impunto ay maliligo na. 5:30 aalis ng bahay para pumasok, matutulog sa byahe hanggang sa makarating sa Manila City hall, bababa ng van, mag alakad sa underpass, ngingiti sa mga makakasalubong kakilala hanggang sa makatapak sa MAPUA. Maglalakad papuntang North Wing, third floor, mag gugood morning sa mga maaagang pumasok na kaklase, uupo sa tabi ng mga kaibigan habang hinihintay dumating ang prof. Pagdating ni Sir, kukuha ng notebook o ng kapirasong papel para mag take down ng kung anu man.

Rrrrriiiiiiiiingggggg... tunog ng be, hudyat na alas nwebe na at tapos na ang unang subject, mag aayos ng gamit, dadaan sa cr papuntang laboratory... Upo saglitsa hallway ng library habang hinihintay ang ibang kaklase.

"Late nanaman kayo..." Ang sigaw ni prof Chua, "Mam, kayo man ang maglakad mula North wing papuntang south wing, third floor to third floor, ewan ko lang kung hindi din kayo malate" sagot ng isang kaklaseng nagdedepensa ng sarili. UUpo sa likod, sasama sa mga iba pang irregulars na walang ginagawa.



Nasa likod ako ng laboratoryo, may hawak na papel na puro tabs ng gitara, sa tabi ko ay sila Bugoy, Ponti, Serge at Duke, ang mga gitarista ng klase, habang nagsasalita si prof, tinitipa namin ang gitara, mahina, papalakas, hanggang sa hindi na namin marinig ang nagsasalitang propesora. Sa gilid ay makikita si Joy, Mitch, Laila, may hawak na face powder, blush on at kung anu anu pa. Sa kabilang dako ay makikita mo sila Jonas, Roy, Badz, Lily, Michelle, Renalyn, Dianne, at Biena na nakikinig sa animoy napakahalagang sinasabi ni tandang Chu.
Lalabas ang tatlong kikay, pupuntang Cr habang nagtatawanan ang iba pang kaklaseng hindi naman sikat, kami sa likod ay ipagpapatuloy ang pag tugtog.

"Class, anu ba, hindi ba kayo tatahimik?" sigaw ni Chu, dedma ang klase, tuloy padin sa mga business na patuloy na tumatakbo. Hindi mo mamamalayan ang oras sa laboratory...

Rrrrrrrriiiiiiiiinggggggggggg... Bell nanaman!!! Ibig sabihin, alas onse imedya na, lunch na.

Kanya kanya sa paglabas ang mga estudyante, ang iba'y papunta sa kanikanilang org tambayan, ang iba ay uuwi sa kanikanilang mga dorm o apartment para kumain, at ako namay maglalakad papuntang SM para kumain.

Sa paglalakad papuntang SM, familiar faces ang makakasalubong mo, hanggang sa makarating na sa SM manila.

McDonals
Jollibee
Tokyo Tokyo
KFC
Goldilocks

yan ang paborito kong kainan. Manok kanin at sopdrinks lang ok na... pag wala namang pera, sa gilid ng Mapua ay may student mea at ang popular na KFC(kwek kwek, footlong, canton)

1:30 ay balik eskwela nanaman.
Last subject. EMAGS... sarap. dito ako nagiging tunay na MATHpuan. ;p

Isang Mapuan, matinik sa MATH... MATHPUAN!

Alas tres imedya matatapos ang klase. Pagtapos ay dederecho ng locker para ayusin ang mga gamit. Tatambay saglit at makikipag kwentuhan, tapos ay tutuloy na sa GYM. Magpapaganda ng katawan hanggang sa mapagod.

Aas sais imedya ay tapos na ang business, maghahanap ng kakilala o kung anu mang maiipang gawin, tatambay, kakain, makikipag daldalan, mag gigigtara.

Alas nwebe, maiisipang umuwi. Maghalakad papuntang Lawton, sasakay ng van at maghihintay makarating ng kabite. Alas onse ay nasa bahay na. Kakain, manonood ng TV, tatapusin ang mga dapat gawin. Matutulog...

Buhay ko! boring.

2 comments:

Anonymous said...

Kamusta naman kasi yun, ang layo ng biyahe. Haha! Na-miss ko tuloy ang journey ko from Rizal to UST. Haaaaay.

Anyway, kamusta ka naman?!

joy said...

damn... ang toxic mo naman... -_-;;