Sa Likod Ng Kagustuhan
Woi!titulo palang pamatay na...parang pocketbook lang na nabibili sa Divisoria.hahaha
Well, ang entry ko ay tungkol sa mga gusto kong propesyon sa buhay, ang pagtanaw kung anu kaya ang buhay ko sa likod ng mga kagustuhang ito. Ganto talagapag may saltik, kung ano ano ang naiisip, kaya pagbigyan nyo nalang ako...
Maging Pari
Elementary ako noong binalak kong magpari. Naging ambisyoso ako noon, grade 2 ata ako noong magsakristan ako. Ginusto kong magsakristan noon dahil ang crush ko ay choir, at kapag kakanta ng Ama Namin, kahawak ng mga sakristang ng kamay ang mga choir. Father Ken, whoa... yan sana ang tawag sakin kung pinagpatuloy ko ang aking pangarap. Natatawa ako. Akona siguro ang pinaka malanding nasa seminaryo kung saka sakali. At malamang ay nademonyo ko pa ang mga kasamahan ko.
Maging Doktor
Kapag tinanong mo ang isang bata kung anong gusto nyang maging paglaki, ang pagiging Doktor ang nangunguna, una, upang martulungan daw ang mga magulang. Well, sila yon, dahil kung magdodoktor man ako, iyon ay para yumaman. Aba akalain mo pirma pirma kalang e may bayad na agad, lupet no? Di lang yon, konting kapa kapa lang, okey na. Kung nag Doktor ako, malamang kaklase ko sina Dan ngayon(asa ako). At syempre imamajor ko ang OBGYNE,bakit? sikreto!hahaha pwede nadin ang surgery, para operahin ko muna mukha ko.
Maging Nurse
Alalay ng doktor, yan ang sabi ng nanay ko tungkol sa nurse, kaya gusto ko din eh, kasi shempre, naka taqyo kalang habang ang doktor ang nag bubuting ting ng kung ano ano. Tapos natutuwa pako pag naka all white, feeling ko ang linis tingnan. Kung saka sakaling nag Nursing ako, susme, isa ako sa milyon milyong estudyanteng mukang tanga(no offense) kasi ba naman, may mga kilala ako, mag nunursing nursing tapos makakita lang ng dugo eh mauuna pa atang mamatay sa pasyente. Wag na.
Maging Teacher
Ito ang pinakagustoi ko dati. Feeling ko teacher na nga ako eh. May sarili kasi akong class record noon at nag iimbento ako ng mga grades, at syempre, kasama ang pangalan ko sa class record at ako ang may pinaka mataas na grade. Math o kaya Science ang ituturo ko kung sakali at ako na siguro ang magiging pinaka terror na teacher, masarap maging terror. sikat!
Maging Engineer
Ito na ako ngayon, malapit ng maging ganap na inhinyero,lupet! Ang gusto ko lang naman ay mag top sa board exam. Hindinaman malabong mangyari yon.hahaha
... buzz!...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ikaw? Magpapari? Puhleeaaase! At natawa ako sa reason mo, ginawa mo pang paraan ang Ama Namin. Haha! So rural! [Parang hindi ko gawain noon di ba? LOL]
Nakakatamad maging nurse. Tsss. Gusto ko ng maging doktor. Haha! Ang taas ng pangarap ko. Haaaay.
Lapit ka ng maging engineer. Konting tiis na lang. Hehe.
[Ako na lang ata bumibisita dito ah. LOL]
Update your link pala. May bago na akong blog. :P
oist ken graduating ka na ba?
Post a Comment