Thursday, February 01, 2007

Buwan Ng Puso


Pebrero nanaman
Parang Kailan lang
Puso'y nangungulila
Sa iyong paglisan

Panaho'y lumipas
Sugat ay nagpeklat
Luha ay nasayang

Ang dulo'y pagpapaalam

Ngayo'y nag-iisa
Walang makasama
Luha'y tuyo na
Ngiti'y lupaypay pa

Nasan kana
O aking sinta
Nawa'y magtagpo
Landas nating dalwa

__________
emote mode
__________


FEBALERT

Grabe, love is in the air, water and land na.
Pero kahit single ako at minsan slash madalas ay nafifeel kong im all alone, ndi ako nalulungkot(ay baliw ata ako, alone na hindi nalulungkot?adik!) pag nakakakita ako ng sweet couple na nag e HHWWPSSP(Holding Hands While Walking Pa Sway Sway Pa ng hands) sa daan, coz I know na maghihiwalay din yung mga un.LOL joke lang. I know kasi na time will come na I'll be like them doing the HHWWPSSP(inggitero kasi ako) pero syempre I wanna be unique, kaya di lang HHWWPSSP, dapat HHWWPSSPPT( Holding Hands While Walking Pa Sway Sway Pa Plus Tumbling) ayan umandar nanaman ang kakornihan ko.

Valentines: wala akong date(as of now) pero im planning to watch Rachel and Christian's concert sa Aliw Theater sa 13. Yes, I'll probably watch it alone, kamusta naman kasi ang niyaya kong manood, gusto treat ko?aba ano ako milyonaryo? E this past few weeks nga eh naka experience ako ng financial crisis dahil sa katalinuhan ko,este katangahan pala. Nalaglagan kasi ako ng pera sa bulsa at ang pera naman ay di manlang ako sinabihan na nalaglag sila kaya mega utang ang drama ko. Since nashare ko na ang katangahan ko at nalalayo na ito sa usapang DATE, mabalik tayo sa valentines...

Naglalakad ako sa Mall, napansin ko ung mga design nilang puso puso, bakit ba puso palagi decoration pag valentines? Hindi ba nakakasawa yun? Pwede namang buwan o kaya araw o kaya star, bakit kaya puso? Kinonsulta ko yung Psychologist sa UP Diliman noong sanggol palang ako, sabi nya sakin, iho, wag ka ng makialam, gumawa ka ng sarili mong okasyon at magprovide ka ng sarili mong decoration. Napahiya ako kaya tinanong ko nalang ang nanay ko at sinabing ang puso daw ang simbolo ng pag-ibig. Ang Pebrero daw ay buwan ng mga magsising Irog, ng mga nagmamahalan. Tinanong ko kung pano yung mga single na gaya ko? Sabi ng nanay ko, hindi nya daw alam,itanong ko daw sa tatay ko o sa kapit bahay namin. Dahil sa katamaran di na ako nag aksaya ng oras sa pagtatanong... ;p Ayun ang kwento ko.

4 comments:

chinoybrat said...

ano ba kasi pakialam m kung hearts ang design dba?

baka badet ang nagpasimula ng VALENTINES LOL

Anonymous said...

In fairness, KUMOKORNI ka na ngayon. BWAHAHAHAHAHAHA!

joy said...

malamig ang valentines... hehehe...

chinoybrat said...

ano bah kasi! LOL

ang arte mo!