Sunday, February 11, 2007

Bulaklak

Habang naglalakad ako, may lumapit saking babae na nag aalok ng bulaklak, roses.
Napaisip ako kung para san yon. Mothers day ng huli akong bumili ng bulaklak, nagpa sweet ako sa nanay ko kasama ang mga tsokolate sabay hingi ng kapalit. Naisip ko din na bago yun ay may pinag bigyan din ako ng bulaklak, isa sa mga minahal ko, kasabay ng pagkaalala dito ay ang pait ng kahapon. hahaha EMOTE MODE.

Muling bumalik ang alaala ng lumipas. Ang kahapong nagdulot ng sakit sa aking sawing puso.

Una: Habang nasa malate ay may nagdaang batang babae na nagalok ng rosas, napabili ako ng tatlo na nangangahulugan ng akung wagas na pag ibig. Tinanggap nya ito at sa tuwing mapapadpad ako sa kanyang condo ay nakikita ko ito(dati) kahit lanta na.

Sumunod: Isa boquet ng bulaklak na binili ko sa Robinsons para sorpresahin sya. Umakyat ako sa kanyang condo at iniwan ito sa tapat ng pinto. Kunyari hindi ako ang nagbigay. Nang magkita kami, walang pasasalamat akong narinig pero alam nyang saakin nanggaling yon. Nang bumalik ako ng condo nya, naron parin ang lantang bulaklak. Pero ang masakit ay parang wala itong kahit anong sentimyento.

Ngayon: Napapaisip ako kung may rason paba para magbigay ako ng bulaklak. Hindi ko alam kung ano pa ang silbi nito.


>>>emote ng may tama.

1 comment:

Riker said...

DOWN WITH VALENTINES!!.. hahahaha.. ola sau jan ken.. lol

bili kang bulaklak tas punta kang sementeryo tas ilagay mo dun sa walang bulaklak.. hehehehe