Tuesday, April 17, 2007

First day high..

...Fourth term na, bagong subjects, profs, classmates, seatmates, lapis, bolpen, libro at notebuk...



Alas sampu ang oras ng klase ko pero umalis ako ng bahay(Cavite) ng alas pito. Lunes, hindi ko inaasahang sobrang daming estudyante ang maghihintay ng sasakyang FX paluwas ng Maynila, mahigit apatnapung minuto akong tumunganga sa kakahintay ng masasakyan hanggang sa jabarin na ang kilikili ko. Dahil sa inis ay sumakay ako ng ibang ruta, alam kong sobrang mapapalyo ako pero hindi ko na ito ininda makarating lang eskwelahan, ayos, LATE ako. May bago paba? ;p

Bago pa magsimula ang ika apat na termino, marami na akong gustong mangyari at isakatuparan para magkaron naman ng MALAKING kabuluhan ang dapat ay bakasyon ng isang NORMAL na estudyante.

...Una sa listahan ang pagpapamacho - Ilang beses ko nang plinano ang bagay na ito subalit hindi naisasakatuparan, this time, GOODLUCK nalang ulit. ;p

...Maging DL - naman!wala nang pera ang nanay ko at kapitbahay namin(sa kakautang ng nanay ko. Nais ko namang makabawas sa gastusin(goodboy image) sa pagiging skolar next term(kung papalarin)

...Maging Single hanggang Birthday ko - Nako, kahit madalas akong magdrama dahil single ako, andaming babaeng nagkakandarapa para ibigin ko(syet, nananaginip ako ng gising)

...Makapag ipon - matagal ko nading plano to, sana makaipon ako. SANA. HELP ME MOTHER OF ALL MOTHERS...

...Yung iba, iisipin ko palang.

Sana yung mga goals ko this term ay ma achieve ko. SANAA

No comments: