Sunday, April 15, 2007

Just want to share this
mag-isip -isip ka..baka isa sa mga eto
ang dahilan

1. Destiny Adik
Eto yung mga naghi2ntay kay "Destiny"
n gumawa ng paraan pra pgtgpuin cla ng
kanilang mga "partner in life"..
ayan... kapa2nood nyo ng "Serendipity"
eh feeling nla ang nangyari sa movie
eh mangya2ri rin sa kanila such a
cliche.. hnd b nla alam n kung wlang
effort destiny s useless.

2. Perfectionist/ Mapili
Yes, 1 taong perpeksyonista. Ung
tipong dpat ganito ang magi2ng
kaprtner ko. Pg my nakila2, nakita lng
n pangit ang kuko o my dumi lng, turn-
off n agad. O kya ang daming ayaw.
Ayaw s mabait boring daw, gus2 bad
boy/ pilya pro kpag pinaiyak ka
ta2nungin k bkt ang sama m bkt m ngwa
un! Adik k b? Ayaw s cute, ayaw dn nmn
s panget. meron jan gus2 k ayaw mo
nmn, ung gus2 m halos magtambling k
pro dedma parn yang stunts mO s knya!
Pazway k rin e! no ba tlga kuya?

3. Busy Busyhan
Opo, eto ung ang mundo e gumaglaw lng
s libro @ bolpen kung estudyante k o
kya nmn s computer @ files kung ofis
staff k. ung tipong aalis ng bahay ng
alas 6 o alas 7 ng umaga @ uuwi ng
bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi
[baligtad naman para sa mga nag
tratrabaho sa call center]. Sabay
tulog n. Kpg sabado masaya n cla s tv,
s pagkain n nilu2to ni mama @ sa
linggo nmn si2mba @ magha2nda n ng
kelangan pra s lunes hanggang byernes.
Pssst..pause 4 awhile.

4. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay
kay bestfriend o kaya kay special
friend na hindi masasabi sabi sa
friendship nya sa loob ng kanilang
mahabang panahon na pagsasama dahil
baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung
tipong pag may kasama si friendship na
iba, nagseselos na wala naman sa
lugar, pero syempre wag pahalata,
kunyari happy sya for friendship.
ABA ! Oi lakasan mo ang loob at baka
mamaya forever mong pagsisihan yan kaw
rin. Minsan pa naman pareho kayong
naghihintayan. . hmmp!

5. Born-to-be-one (Authestic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging
single daw. Walang reasons. Basta lang
nabuhay sya sa mundo na mag-isa at
feeling nya mamatay sya sa mundo ng
mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari
na lang. Asa kang tatanggapin ka pa
noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi
kasiyahan at trippings. Kahit sino
nalang basta no string attach. For fun
lang daw... Walang halong seryosohan.
ABA hoy! yang init ng katawan mo e
ikiskis mo nalang sa pader.
Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

7. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung
pakiramdam mo nasa ibang mundo ka.
Yung ang nakakaharap mo e yung mga
hindi mo gusto, yung mga hindi mo
hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa
ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo
e yung amoy ng nasa sariling bayan mo.
O kaya naman e nasa sarili mong bayan
ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw
ang abnormal at hindi mo kayang
sabihin na abnormal din ang hanap mo
kung ayaw mong ibitin ka nila ng
patiwarik.

8. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi
pa ako ready e bata pa kasi ako o kaya
naman hindi pa ako handa sa panahong
ito, wala pa ako kayang ipagmalaki.
Yes meron pong ganyan. Yung feeling
nila may tamang panahon para sa love.
Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod
ugod ka na at yung time mo e bitin na?
O baka naman pag pang out of time ka
na? Oist, sugod lang ng sugod.


9. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komyunidad na
ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader
o pader na magkaron ka kahit 22 anyos
ka na at kelangan umabot ka muna raw
ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya
naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin
ni parents at ni kapitbahay na
tsismosa sa magiging kasama mo. Aba
ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam
mo hindi kayo bagay. langit at lupa
kayo. Awwwww. Payo ko sayo, Pakialam
nila diba? Palibhasa inggit!


10. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami.
Ayaw ko na!!! takot na ako mangyari pa
ang nangyari dati! O diba ang drama ng
layp? Yes, tama ka. Eto yung dahil sa
past relationship mo, e until na ayaw
mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata
ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka
sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka
ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka!, ano pa ba? Madami yan
wag na nating isa isahin at baka
tumulo si tears hehehe Gayunpaman, eto
lang masasabi ko mga hija at hijo.
Ibat iba ang lasa ng pag-ibig. May
mapait, may mapakla, may matamis at
may maasim. Aba mapalad ka at natikman
mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya
ikaw, Do not be afraid to fall in love
again malay mo sweetiness na ang
malasahin mo next time. E di panalo ka
sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo|
Yang ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig.
tsk! drama!


11. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1
or 2 yrs na ang nakakalipas. May
ganito naman. Yung tipong ilang taon
ang nakakalipas, hindi pa rin
makalimutan si ex. Yung pinagsamahan,
yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng
nangyari sa inyo nung kayo pa.
Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito,
kelangan nyong magpaalam sa isa't isa.
YES, after ay year sasabihin natin, im
over him/her na, pero pag-usapan natin
ang love at ang nangyari sa ating
relastionship from the past,
TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad
ang naalala mo. At habang nagkukwento
ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti
at may bumabagabag sa ating kalooban.
Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL
mo pa si EX. Isa lang ang masasabi ko,
well mahirap sya kalimutan alam ko yan
pero open your heart and makipagdate
ka, lumabas ka, at try to entertain
someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba.
At give urself KITKAT, take a break.



Bakit kaya ako sigle??? Hindi ko din alam, siguro combiation ng nasa taas.hehehe

2 comments:

Redg said...

Minsan pa naman pareho kayong
naghihintayan.


APIR! Hahahaha. Nako, napakasayang ng mga ganyang moments. :| Tae. :))

EX? Mahal ang ex? Tssk. Aray. Tagos ata saken. :)) Hahaha.

Anonymous said...

ahahah! ung busy-busyhan! ahihihi!