Tuesday, April 10, 2007

Ultra eclectro magnetic CHUBA


Dahil papalapit na ang pasukan, ako naman ang lumalayo. ;p
Naiinggit ako sa mga nakapag swimming na.
Gusto kong magsunog ng balat sa beach(hahamunin ko ang araw kung kaya nya pa akong sunugin)
Nakarenta nadin ako ng kwarto(tambakan ng gamit) na pwede nading tambayan.hehehe

____________________________

Naglilinis ako ng kwarto ng makita ko ang papel ng kapatid ko,nag balik ang nakaraan.

Third year highschool. Its my year. Akin lang!bwahahaha

Naalala ko kung gano ako kaganid sa papel. Ayoko ng may nanghihingi sakin. Mga parasites! ;p

Umisip ako ng paraan kung pano hindi makakahingi sakin ang mga kaibigan ko sa paraang hindi sila masasaktan pag tumanggi ako. Dahil sa ako ay henyo, nilalagyan ko na ng pangalan ang papel isa isa para hindi na sila makahingi.;p Hindi naglaon, nangawit ako sa kakasulat, nag isip ng mas ok na paraan kung paano mapapabilis ang pagsulat. Naisip ko ang pantatak. Agd akong nagpagawa nito at ayun, lahat ng piraso ng papel ko ay may tatak na. ;p

Ang dugo ng karamutan ay nananalaytay padin sa aking katawan.
________________________________________________________________


... I JUST WANNA GO ON THE BEACH... SUNBURN!

No comments: