Thursday, January 08, 2009

Damn, 2009 na pala.

I almost forgot that I have this site where I can relate stories.
Nawala na din ang cyber friends ko dahil sa mahabang oagkawala ko sa mundo ng pagbloblog.

Anong bago kay Kenzo makalipas ang halos isang TAON.

1. Ganap na akong empleyado. Ako ay regular na sa aking pinapasukang opisina. May magandang record sa attendance at performance. Nakatanggap ng ibat-ibang papuri sa kagalingan sa larangang tinahak.

2. Ganap ng lumisan sa institusyong tinuring na pangalawang tahanan.

3 Single at available. hahaha

4. Naging limitado sa paglabas upang magparty at magwaldas ng kayamanan.

5. Nasiraan ng laptop charger at anim na buwan ng hindi nagagamit ang laptop.

6. Nawasak ang gitara at hindi na ata marunong tumugtog ng gitara.

7. Mayroong bagong china-phone dahil nawala ang lumang phone.

8. Kumikonis ang mukha dahilkay Dra. Vicky Belo.

Hindi ko na din matandaan ang mga pagbabagong kaagipay ng panahon.

2009:

1. Gusto kong mag-ipon upang makabili ng sasakyan, kahit 2nd hand lang. Kinausap ko na ang magulang ko ukol rito at sinang ayunan naman ako ng aking tatay. Salamat.

Kaya ako nagtratrabaho ngayon ay bukod sa pagtulong sa aking magulang eh para tustusan ang luho ko. Ang dating galante ay kuripot na ngayon dahil nag-iipon ako. SERYOSO to.

2. Gusto kong buhayin ang blog ko para naman magkaron ako ng outlet kahit papano, iwas gimik, iwas gala, iwas gastos ako ngayon, at dahil libre naman ang internet sa opisina, samantalahin!

3. Gusto kong maging mabait pero di ko magawa. Nasa dugo ko na yata ang kasamaan.

4. Gusto kong sumikat. hahaha

Yan muna para masaya. ;p

No comments: