Almost every year may ganito akong post. Who cares?
This month, something different ang wish ko, somehow feasible.
1. Gitara - just like before, kahit santambak na ang gitara ko, gusto ko padin ng gitara. Ang mga gitara sa bahay eh pinagtatapon ko na, sira na kasi. Hindi na ako mapili sa gitara. Ok nako sa mumurahing lumanog. Ang sabi nga ni pareng Weinstein, wala sa presyo ng gitara yan, aanhin mo ang magandang gitara kung hindi mo naman alam tipahin.
2. Bakasyon - Hindi naman kaila sa iba na ubos na ang sickleave at vacation leave ko dahil sa aksidenteng nangyari sa akin nooong summer. Hindi ko naenjoy ang summer. Literal na hindi. Pero hindi na maibabalik yon kaya kahit papano ay umaasa akong makapag beach manlang, lalo na ngayong magaling na ang sugat ko.
3. Salamin - Luma na ang salamin ko, yung isang paborito ko ay basag nadin dahil sa pagaaway namin dati. Ayoko ng magcontact lenses. Hindi ako kumportable. Gusto ko yung salaming hindi ako pagmumukhaing GEEK at hindi din naman ako pagmumukhain HUDLUM. Sakto lang.
4. Libro - Medyo pumalya na ako sa pagbabasa ng libro. Palyado na ang utak ko sa mga nangyayari sa paligid. Ang dating memoryado ang mga titulo ng bagong bestseller na libro ay 'KAPITAN SINO' ang huling nabasa. Ultimo FHM magazine eh hindi nadin ako updated. Lugmok nako.hahaha
5. Surpresa - Hindi ko gusto ng surpresa - dati. Ngayon eh gusto kong maramdaman kung anong pakiramdam ng surpresa. Hindi sa ignorante ako ukol dito pero gusto ko lang maramdaman yung hindi pangakaraniwan.
Huling Kahilingan:
Swak na swak to sa sitwasyon ko. Sana hindi mauwi sa wala ang lahat ng ito. Sana sa mga susunod na kaarawan ko(hanggang sa 100th birthday ko), ikaw padin ang kasama ko. Sana ang kaligayahang ito ay hindi panandalian.

No comments:
Post a Comment