12
Panaho'y di namalayan
kay bilis nitong dumaan
Sa piling mo una'y ilang
Sa ngayo'y nais kang masilayan.
Hindi man tayo laging magkasama
Tandaan mong sa tuwina ika'y inaalala
Ngiti mong kaayaaya
Baon ko sa aking alaala
Mga gabing nag-iisa
Pangarap ko'y makapiling ka
Sa bawat sandaling di ka nakikita
Imahe mo, sa utak ko'y gumagana
Ngayon ay isang buwan na
Samahan na tila namumunga
Sana ay hindi ka magsawa
Sa piling ko aking sinta
.ika-12 ng Agosto 2009.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hey there,
pasyal ka naman sa blog ko.. musta
http://justlike-hell.blogspot.com/
Post a Comment