Tuesday, September 01, 2009

Tormented

Nasaktan ka sa ginawa ko, nasaktan ako sa naging reaksyon mo.
Nagsorry ako pero hindi parin ito sapat para sayo.
Nahihirapan ako, unang beses na nag away tayo ng ganito.
Kung iisipin ko, napakababaw, gaya ng sabi ng iba.
Pero ang mababaw sa akin ay maaring malaking bagay sa iyo.
Iniisip ko ang mga bagay na ito.

Ayaw kong ipagtanggol ang sarili ko dahil ayaw kong may manalo o matalo.
Simple lang naman ang gusto ko, yun eh ang pag titiwala mo.
Hindi naman ako masamang tao, yan ang alam ko.
Lahat ng kaya kong gawin ay handa akong gawin para lang sayo.

Ngayon, tuliro ang utak ko.
Gusto kong sumigaw, walang boses na lumalabas.
Gusto kong umiyak, walang luhang tumutulo.
Gusto kong matahimik, tulungan mo ako...
Ibalik natin ang dating samahan, pagkatiwalaan mo ako.

Mahal kita, sana'y ramdam mo.

No comments: